Tuesday, August 28, 2007

buong araw sa isip ko

Kasabay ng liwanag ng araw at pagdilat ng aking mga mata
Sa lamig ng paligid ikaw ang nasa isip
Damdamin na pilit hinahanapang ng paliwanag
Sa mundong puno ng kalituhan

Sa katanghaliang tapat ng damdaming naglalayag
Kasabay ng malakas na hanging umiihip di ka maalis sa aking isip
Sa bawat sulok ng mundo kong parisukat
Tanging larawan mo ang pinapangarap

Ngayon ang araw ay unti-unti ng lumulubog
Sa aking pag-iisa yakap ko ay unan
At tanging alaala mo sa dilim ng gabi
Ngunit sa pag gising tulad ng liwanag ng araw ikaw ay muling sisilay

this poem is about three years ago..

No comments: